Natagpuan Kita
Natagpuan kita Habang naglalakbay sa kawalan Natagpuan kita Sa pagitan ng disyerto at ng kalawakan Natagpuan kita Nung panahong hinahanap ko pa ang sarili kong nawawala Nahanap kita Sa hindi inaasahang pagkakataon Sa hindi inaasahang panahon Natagpuan mo ako Habang puno ng luha ang aking mga mata Natagpuan mo ako Nung gabing sobrang lalim na hinihila ako sa dilim Ikaw ang nagsilbing liwanag ko Ikaw ang nagsilbing gabay ko Ngunit nasaan ka na? Natagpuan kita Natagpuan mo ako Tayo nga'y pinagtagpo Ngunit itinadhana ding ipaglayo.