Natagpuan Kita

 

Natagpuan kita 
Habang naglalakbay sa kawalan
Natagpuan kita 
Sa pagitan ng disyerto at ng kalawakan
Natagpuan kita
Nung panahong hinahanap ko pa ang sarili kong nawawala
Nahanap kita
Sa hindi inaasahang pagkakataon
Sa hindi inaasahang panahon

Natagpuan mo ako
Habang puno ng luha ang aking mga mata
Natagpuan mo ako
Nung gabing sobrang lalim na hinihila ako sa dilim

Ikaw ang nagsilbing liwanag ko
Ikaw ang nagsilbing gabay ko

Ngunit nasaan ka na?
Natagpuan kita
Natagpuan mo ako
Tayo nga'y pinagtagpo
Ngunit itinadhana ding ipaglayo.



Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building