Gamo-gamo
Ako'y nagmistulang gamo-gamo na patuloy na umaaligid sa apoy kahit alam kong masama ito para sa akin.
Nagpahumaling sa taglay na ganda ng liwanag,
Kahit alam kong ito ang magiging sanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak,
Ang hahadlang sa aking patuloy na paglipad.
Lumapit pa rin sayong apoy.
Ganoon naman ata talaga kapag gustong-gusto mo ang isang bagay, o kahit ano pa man.
Nagbubulag-bulagan.
Nagbibingi-bingihan.
Kahit masama ito sa ating kapakanan.
Comments
Post a Comment