Pag-amin

 Aamin na ako,
Ibubunyag ang itinatago kong sikretoㅡ
Sikretong inilihim sa kailalim-ilaliman nitong puso;
Na pilit kong itinatago sa sarili ko.

Hindi ako tahimik;
'Wag sana akong husgahan,
Huwag muna akong pangunahan,
Hindi naman kasi sadyang ganiyan;
Ni hindi ko na nga matandaanㅡ
Matandaan kung kailan ako nagtago palayo sa mga daan,
Magtago patungo sa kawalan,
Kaya ngayo'y nawawalan.

Binalot ng kadiliman,
Puso kong pilit nilang binubuksan,
Mga ngiti kong laging pinagpipilitan;
Pagpapanggap ko ba'y hanggang kailan?

Hanggang kailan ako magtatago?
Hinihiling na sana man lang ay mabagoㅡ
Mabago ang pananaw kong ito,
Aamin na ako,
Ako'y pagod na kakagalaw sa mundong ito;
Ako'y pagod na sa sistemang pinaikot ako.

Pakiusap, tulungan n'yo ako.
O baka siguro hindi ko kailangan ang tulong n'yo,
Baka nga kailangan ko lang iangat ang sarili ko?
Iangat ang nakalubog kong pagkatao,
At ilabas ang totoong ako.




Comments

Popular posts from this blog

Again

Home is a feeling, not a building