Agos

Wag kang masinungaling sa akin,
Sabihin na ang dapat sabihin,
At akin itong diringgin,
Hindi kailangan ng pampatamis,
Sapagkat masasaktan lang ako ng labis

Aminin na ang dapat aminin,
Kung ika'y hindi ko na maangkin,
Kung ang puso mo'y wala naman talaga sa akin,
Iyo na sanang aminin

Sabihin mong hindi na ako ang mahal,
Nang ang pag-asa sa iyo'y hindi na magtagal,
Sapagkat puso ko'y labis na magpapagal,
Kung patuloy ang pagsugal sa isang pag-ibig na hindi nagtagal.





Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building