Aamin na ako, Ibubunyag ang itinatago kong sikretoㅡ Sikretong inilihim sa kailalim-ilaliman nitong puso; Na pilit kong itinatago sa sarili ko. Hindi ako tahimik; 'Wag sana akong husgahan, Huwag muna akong pangunahan, Hindi naman kasi sadyang ganiyan; Ni hindi ko na nga matandaanㅡ Matandaan kung kailan ako nagtago palayo sa mga daan, Magtago patungo sa kawalan, Kaya ngayo'y nawawalan. Binalot ng kadiliman, Puso kong pilit nilang binubuksan, Mga ngiti kong laging pinagpipilitan; Pagpapanggap ko ba'y hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtatago? Hinihiling na sana man lang ay mabagoㅡ Mabago ang pananaw kong ito, Aamin na ako, Ako'y pagod na kakagalaw sa mundong ito; Ako'y pagod na sa sistemang pinaikot ako. Pakiusap, tulungan n'yo ako. O baka siguro hindi ko kailangan ang tulong n'yo, Baka nga kailangan ko lang iangat ang sarili ko? Iangat ang nakalubog kong pagkatao, At ilabas ang totoong ako.
Gusto nang pag-usapan, Gusto ko na sanang wakasan, Ngunit tila may bumabagabag pa sa aking isipan, At ang mga paa ko'y hindi ko maihakbang. Teka muna sandali, Ano nga ba ang mali? Bakit tayo humantong sa ganito? Hindi ko inasahang magiging parte ito ng ating kwento. Nag-iisip kung papaano-- Paano ako lalapit kung ikaw mismo ay mistulang lumalayo? Kapag atin bang pag-uusapan ito, Mapipigil ba ang pagbabago? Naisip ko, Kahit siguro maging malinaw ang lahat, May mga marka pa ring maiiwan, At ang kahapon ay hindi na natin mababalikan. Gusto ko lang ipaliwanag sa iyo, Kung bakit ako nagkakaganito, Ngunit natatakot ako, Sa sobrang takot ay hindi na ako makalapit sa iyo, Mistulang isang liwanag na bumubulag sa aking mga mata, Parang kinatatakutan kong halimaw sa isang pelikula. Gusto ko lang wakasan itong itinatago kong pagdaramdam, Nagsasawa na ako sa paulit-ulit kong agam-agam, Kahit naghingi na ng pasensyang makaitlo,...
Tandang-tanda ko pa, Ang ating dulo't simula, Kung paanong ang puso nati'y nagtugma, At kung paanong ang luha sa ati'y kumawala. Tandang-tanda ko pa, Ang unang araw na tayo'y magkita, Kung paano ka tumitig sa aking mga mata, At kung paano mo binigkas ang salitang "hi, kumusta ka?" Nginitian lang kita, Sapagka't ako'y nahihiya pa. Pero sa isip ko ako'y napatanong, Ikaw na ba-- Ikaw na ba ang sa akin ay itinakda? Ang hiniling ko sa mga buwan at tala? Siguro'y ikaw na nga, Sapagkat ipinaramdam sa akin ang kakaibang saya, Sa bawat araw na lumipas na ika'y kasama, Ang buhay ay binigyan ng kulay at pinuno ng ligaya. Ngunit, Lahat ng iyon ay pawang akala, Mga luha sa mata'y dagling kumawala, Nabibigla't natutulala, Hindi akalaing ika'y mawawala nang bigla. Totoo nga ba? Totoo ka nga ba? O ang lahat ng iyong pinakita'y pawang ilusyon, At mapaglaro lamang sa mata? Mahal, ika'y nasaan? Pangako mong walang hanggan, Mayroon...
Comments
Post a Comment