Aamin na ako, Ibubunyag ang itinatago kong sikretoㅡ Sikretong inilihim sa kailalim-ilaliman nitong puso; Na pilit kong itinatago sa sarili ko. Hindi ako tahimik; 'Wag sana akong husgahan, Huwag muna akong pangunahan, Hindi naman kasi sadyang ganiyan; Ni hindi ko na nga matandaanㅡ Matandaan kung kailan ako nagtago palayo sa mga daan, Magtago patungo sa kawalan, Kaya ngayo'y nawawalan. Binalot ng kadiliman, Puso kong pilit nilang binubuksan, Mga ngiti kong laging pinagpipilitan; Pagpapanggap ko ba'y hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtatago? Hinihiling na sana man lang ay mabagoㅡ Mabago ang pananaw kong ito, Aamin na ako, Ako'y pagod na kakagalaw sa mundong ito; Ako'y pagod na sa sistemang pinaikot ako. Pakiusap, tulungan n'yo ako. O baka siguro hindi ko kailangan ang tulong n'yo, Baka nga kailangan ko lang iangat ang sarili ko? Iangat ang nakalubog kong pagkatao, At ilabas ang totoong ako.
Ako'y nagmistulang gamo-gamo na patuloy na umaaligid sa apoy kahit alam kong masama ito para sa akin. Nagpahumaling sa taglay na ganda ng liwanag, Kahit alam kong ito ang magiging sanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak, Ang hahadlang sa aking patuloy na paglipad. Lumapit pa rin sayong apoy. Ganoon naman ata talaga kapag gustong-gusto mo ang isang bagay, o kahit ano pa man. Nagbubulag-bulagan. Nagbibingi-bingihan. Kahit masama ito sa ating kapakanan.
I don't believe in fictions such as 11:11, fairy tales nor happy endings. It is called "fiction" because it ain't real, And it will never be real; It's just an invention of our human mind, Or in other words, Purely imagination. Digital art by Tithi Luadthong
Comments
Post a Comment