Pag-ibig Na Pilit

Ayoko ng pag-ibig na pilit,
Pwede namang mahalin mo ako nang walang halong pamimilit,
Yung tipong mamahalin mo ako sa taglay kong mahika sayo,
Yung tipong ikaw mismo ang nabihag sa mga ngiti ko

Ayoko ng pag-ibig na pilit,
Na mahal mo ako dahil may ginawa akong mabuti sayo,
Mahal mo ako kasi nilibre kita ng milktea na may sago,
O mahal mo ako kasi ginawa ko ang thesis mo

Ayaw kong mamalimos ng pag-ibig ng ibang tao,
Kung mahal mo ako, dapat mahal mo ako—
Hindi dahil sa mga walang katuturang dahilan,
Kundi dahil nakikita mo ang sarili mo sa piling ko nang pangmatagalan

Mahal,
Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita,
Hindi ko naman ipipilit itong pagsinta,
Tatanggapin ko naman kahit hindi ako ang pipiliin,
Hinding-hindi kita pipilitin,
Sa totoo nyan handa akong ika'y palayain,
Basta ba'y sabihin mong diretsahan sa akin,
Na hindi kita pwedeng angkinin

Ayoko ng pag-ibig na pilit,
Wag ka nang makulit,
Mahalin mo na lang ako kung handa ka nang buksan ang puso mo,
At hindi dahil sa pagkalunod mo sa nag-uumapaw na pag-ibig ko SA 'YO.



Comments

Popular posts from this blog

Again

Home is a feeling, not a building