Agam-agam

Gusto nang pag-usapan,
Gusto ko na sanang wakasan,
Ngunit tila may bumabagabag pa sa aking isipan,
At ang mga paa ko'y hindi ko maihakbang.

Teka muna sandali,
Ano nga ba ang mali?
Bakit tayo humantong sa ganito?
Hindi ko inasahang magiging parte ito ng ating kwento.

Nag-iisip kung papaano--
Paano ako lalapit kung ikaw mismo ay mistulang lumalayo? 
Kapag atin bang pag-uusapan ito, 
Mapipigil ba ang pagbabago?

Naisip ko, 
Kahit siguro maging malinaw ang lahat, 
May mga marka pa ring maiiwan, 
At ang kahapon ay hindi na natin mababalikan.

Gusto ko lang ipaliwanag sa iyo, 
Kung bakit ako nagkakaganito, 
Ngunit natatakot ako, 
Sa sobrang takot ay hindi na ako makalapit sa iyo, 
Mistulang isang liwanag na bumubulag sa aking mga mata, 
Parang kinatatakutan kong halimaw sa isang pelikula.

Gusto ko lang wakasan itong itinatago kong pagdaramdam, 
Nagsasawa na ako sa paulit-ulit kong agam-agam, 
Kahit naghingi na ng pasensyang makaitlo, 
Wala rin namang pagbabago, 
Ngunit tatanggapin ko, 
Kahit ano pang kahahantungan, 
Kahit hindi na maibalik ang pagkakaibigan natin, 
Gusto ko lang sanang sabihin, 
Atin na sanang ayusin, 
Ang gusot sa pagitan natin,
At kung hindi na talaga maibabalik, 
Mga alaala nati'y sa puso ko na lang iuukit. 



Comments

Popular posts from this blog

Again

Home is a feeling, not a building