Ako Muna
Kasalanan bang maituturing,
Kung akin ngang susunduin ang sarili?
Kung akin ngang pipiliin,
Ang kasiyahang hinanap para sa akin?
Ikaw o ang sarili ko?
Alam mo naman siguro ang sagot ko,
Hindi na muna ikaw siguro,
Kailangan ko muna ng oras,
Nang sa gayo'y aking mabigkas,
Na sa wakas,
Buo na uli ang sariling kumalas
Hindi naman siguro maling maituturing,
Kung pag-ibig mo'y huwag na munang ibaling sa akin,
Marami ka pang dapat na kilalanin,
Marami ka pang makikitang higit pa kaysa sa akin,
Huwag na muna ako,
Huwag na muna sa ngayon,
Gusto ko munang sumabay sa alon ng panahon,
Nang ako lang,
Sarili ko lang,
Sarili ko muna sa ngayon.
Comments
Post a Comment