Hindi ako si Stella

Hindi makahanap ng magandang panimula;
Para sa iyo na aking paboritong manunula,
Natatawa't namamangha,
Bigla ko na lang kasing naisipang gawan ka ng tula,
Kahit istorya nati'y hindi pa naman talagang nagsisimula

Napanood mo na ba ang 100 tula para kay Stella?ㅡ
Malamang oo,
Ay! nalimot koㅡ
Sa puso nga pala'y mayroon nang Stella,
Ngunit maari ko bang malaman kung sino sya?
Sya na iyong inaasam at pinapantasya?

Siguro naman ay alam mo na,
Hindi ito ang iyong inaasam na isang magandang istorya,
'Pagkat sa dulo'y hindi nagkatuluyan ang dalawang bida

Nagbabagabag, nangangamba;
Hindi kaya tayo mabibigyan ng tyansa?
Kahit mapagtripan manlang sana ni tadhanaㅡ
Kahit na hindi ako ang iyong Stella,
Sana sa dulo ng kwento'y maging tayong dalawa.

Nakakatakot umasa,
Alam ko naㅡ
Alam ko na sa puso mo'y may nakapukaw na,
Umaasa na lang sa mga buwan at tala;

Sanay hindi sya kagaya koㅡ
Kagaya ko na unti-unting nahuhulog sayo,
Kagaya ko na inaasam ang katulad mo,
Pasensya na pero ito ang totoo;
Natatakot na malugi ako
Malugi ako't iwanang lumuluha sa dulo nitong kwento

Fidel, kung nakikinig ka
Pakinggan mong mabuti at tignan ako sa mata,
Minsan lang ako maloka,
Hindi rin naman ako marunong mambola,
Kapag sinabi kong mahal kita, 
Mahal kitang talaga

Tandaan mo itong mga sinabi't sasambitin,
Hinding-hindi ko na kasi ito uulitin:

Kahit hindi man ako ang iyong Stella;
Ang babaeng iyong pinapantasya,
Ako naman ang babaeng gagawin ang lahat upang ika'y mapasaya;
At hinding-hindi ka iiwang mag-isa.



Comments

Popular posts from this blog

Again

Home is a feeling, not a building