Hiram


Tandang-tanda ko pa,
Ang ating dulo't simula,
Kung paanong ang puso nati'y nagtugma,
At kung paanong ang luha sa ati'y kumawala.

Tandang-tanda ko pa,
Ang unang araw na tayo'y magkita,
Kung paano ka tumitig sa aking mga mata,
At kung paano mo binigkas ang salitang "hi, kumusta ka?"

Nginitian lang kita,
Sapagka't ako'y nahihiya pa. 
Pero sa isip ko ako'y napatanong,
Ikaw na ba--
Ikaw na ba ang sa akin ay itinakda? 
Ang hiniling ko sa mga buwan at tala?

Siguro'y ikaw na nga, 
Sapagkat ipinaramdam sa akin ang kakaibang saya, 
Sa bawat araw na lumipas na ika'y kasama, 
Ang buhay ay binigyan ng kulay at pinuno ng ligaya.

Ngunit, 
Lahat ng iyon ay pawang akala, 
Mga luha sa mata'y dagling kumawala, 
Nabibigla't natutulala, 
Hindi akalaing ika'y mawawala nang bigla.

Totoo nga ba?
Totoo ka nga ba?
O ang lahat ng iyong pinakita'y pawang ilusyon,
At mapaglaro lamang sa mata?

Mahal, ika'y nasaan?
Pangako mong walang hanggan,
Mayroon palang kawakasan,
Hindi mo man lang ako sinabihan.

Bago ko ito tuluyang tuldukan, 
Nais munang sabihin ng diretsahan, 
Salamat sa mga sandaling hiram,
At mahal, paalam.


Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building