Huling Pahina ng Kwento



Titigan ang mga mata ko
Sabihin mo sa aking mahal mo'y hindi na ako,
Hindi man alam kung ang katagang iyon ay totoo,
Sabihin mong mahal mo'y hindi na ako

Huwag mo nang paniwalain sa mga matatamis na salita,
Ayos lang kung ang mga pangako mo'y hindi mo na magagawa,
Sapagkat ayoko nang umasang baka pwede pa,
Ayaw ko na sanang umasa pa sa ating dalawa,
Dahil alam kong pagod ka na,
At kailangan mo munang mapag-isa

Tama na
Kailangan nang isara ang libro nating dalawa 
Ito na ang ating huling pahina
Kailangan ko na ring magpahinga
Napapagod na rin ang puso nating umasa na baka maayos pa,
Napapagod na ang ating mga mata sa hindi sadyang pagluha

Pangako,
Minahal kita nang sobra,
Na miski sa sarili ko'y wala akong itinira,
At naiparamdam mong ako'y iyong minahal ding talaga

Bakit kaya tayo humantong sa huling pahina?
Puso nati'y parehong nanghina,
Hindi pala totoo na sapat ang pag-ibig upang magpatuloy pa


Bakit nga kaya?

Ang daming tanong na tumatakbo sa aking isipan,
Tulad ng bakit, paano, at kailan

Paano tayo humantong sa huling pahina?
Bakit tayo pinagtagpo kung hindi rin tayo para sa isa't-isa?
Kailan ko kayang limutin ang naidulot mong mahika?

Paano?
Bakit?
Kailan?

Walang makapagbibigay ng dahilan,
Kaya't mata'y itititig muna sa kawalan,
Habang dahan-dahan kang pinakakawalan

Ito na nga ang ating huling pahina,
Salamat at nakilala kita.





Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building