Inayos Kita, Sinira Mo Ako
Inayos kita sa oras ng pagkasira mo,
Tinanggap kita sa kabila ng lahat ng peklat at sugat na iyong tinamo,
Hindi kita iniwan sa oras nang kahinaan mo,
Hindi ako lumisan sa tabi mo nung kailangan mo ako;
Ngunit bakit nung ako,
Nang ipakita sa iyo ang mga sugat ko,
Bigla kang lumayo?
Pinanghinaan ng loob at tinakasan lang ako
Inayos kita nung oras na sirang-sira ka,
Andito ako nung panahong nawawala ka
Ngunit ikaw,
Mas sinira mo ang tagaayos mo,
Ginapos mo ako nung oras na nakikita mong matatag ako,
At iniwan sa gitna ng kalawakan sa oras ng panghihina ko
Ang unfair mo,
Gusto mo lang ako sa tuwing maayos ako,
Ngunit dagling lilisan sa tuwing nilalamon ako ng kadiliman sa utak ko
Tulong—
Kailangan ko lang naman ng tulong mo
Ngunit hindi mo inilahad ang mga palad mo,
Bagkus iniwan akong nagmamakaawa sa iyo
Inayos kita—
Mali akong inayos pa kita,
Sana'y sarili ko muna ang inuna,
Hindi sana ako lubusang nasira.
Comments
Post a Comment