Laro

Tara na't maglaro,
Taguan ng feelings ba ang iyong gusto?
Kahit na alam kong ito'y di wasto,
Puso ko'y patuloy na titibok para sayo

Langit ka, lupa akoㅡ
Tayo'y hindi nagkakatagpo,
Tadhana'y pilit tayong pinaglalayo.
Ngunit pipilitin ko,
Kahit kailanganin ko pang makipag-pantintero,
Kahit mahirapan ako't walang mapala sa dulo,
Lahat nang ito'y gagawin ko,
Makalapit manlang ako sa puso mo

Lahat gagawin ko, oo lahat


Hindi ako mapapagod na hanapin ka
Hindi ako mapapagod na habulin ka
Di baleng sa larong ito ako lagi ang taya
At parang pitik-bulag, ako'y nanghuhula
Kahit para kang pamato ko sa pikoㅡ
Kahit ika'y bato, 
Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko

Pansinin mo naman ang nadararama para sayo,
Isa,
Dalawa,
Tatlo,
Bigla ka na lang tatakbo,
Magtatago't tatakasan ako.




Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building