Mahal Ko o Mahal Ako?

 Isang tama, sampung maliㅡ

Nahihirapan na akong pumili,
Natatakot na baka pumalpak muli,
Sino ba sa inyo ang aking minimithi?
Bulong ng guni-guni,
At lagi kong munimuni

Kailangan pa ba itong itanong?
Halata naman siguro kahit walang tanong,
Mahal ko ang pipiliin ng puso kong lito,
Kahit ako'y patuloy pang saktan nito

Ngunit, subalit, dapatwat
Napapagod din ang puso kong tapat,
Lumapit sya sa akin at tuluyang nagtapatㅡ
Naguluhan ang puso ko kahit hindi naman nararapat

Hindi ko talaga mapagtanto kung bakit ganito?
Mundo nga nama'y sadyang kay gulo,
O baka hindi naman talaga ang mundo,
Baka yung puso ko,
O baka ako mismo,
Gusto ko kasing pumili ng isa sa inyo

Hindi ba't nakapili na ako?
Bakit parang gusto kong palitan ito?
Nadadala ba ako ng tukso,
O baka dahil sawa na ang puso kadurugo,
Ang mahal ko'y hindi ako ang tipo,
Paano na kaya ako?
Teka, may iba pala na ako ang tipo

Puso ko,
Puso nya,
Puso naming tatlo'y hindi nagkakatagpo

Mahal ko'y may mahal na iba,
Mahal nya ako ngunit ako'y nakatitig sa iba,
Kailan ba tayo magkakatugma-tugma?

Bugso ng nadarama'y di na kayang pigilan pa,
Nangangambang pumili sa kanilang dalawa,
Dapat pa nga bang pumili pa?
Kung hindi ko naman mahal ang isa,
At kung ang mahal ng mahal ko ay iba?

Mas gugustuhin ko na lang mapag-isa,
Kaysa masaktan ko sya,
Mas gugustuhin ko na lang mag-isa,
Kaysa ipagpilitan pa,
Mayroon pa naman dyang iba,
Ibang magbabalik ng aking nadadarama.




Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building