Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib


Nakapagtataka,
Bakit tila malakas ang iyong mahika;
Mahikang unti-unting dumadaloy sa aking sistema, 
Minsan nga'y 'di na makapaniwala, 
Kung bakit ang puso ko ay biglang nagwawala

Pinipilit kong iwasan ka, 
Nilihis ang landas, 
Pati na ang aking mga mata, 
Pinipigil ang sarili sa iyo sinta

Ngunit tila lumalala ata? 
Iwas sa iyo tuwing umaga, 
Pero pagsapit ng gabi'y nasa isip kita, 
Ibang klase ang epekto mo, 
Mababaliw na ako sayo

Sa tuwing hindi ka nakikita, 
Hinahanap-hanap ka, 
Ninanais masilayan ang iyong mukha, 
Kahit sandali lang sana
Kahit kisapmata,
Masilayan ko ang kinang ng iyong mga mata

Ititikom ko muna ang bibig, 
Damdamin ko sa iyo'y hindi ipahihiwatig, 
Hahayaan ang tulak ng bibig, 
Kahit iba ang kabig ng dibdib, 
Sabi kasi nila, 
Kung kayo, kayo talaga
Paghiwalayin man tayo ng mundo,
Tadhana'y nariyan upang tayo'y ipagkatagpo.







Comments

Popular posts from this blog

Sundin Mo Ang Puso

Again

Home is a feeling, not a building