Sundin Mo Ang Puso
Huwag mong ipilit kung hindi mo gusto,
Wala tayo sa isang paligsahan,
Hindi natin kailangang magkipag-tagisan,
Ano ba ang iyong ipinaglalaban?
Mas mahalaga ba ang kasiyahan ng ibang tao,
O ang kasiyahan mo mismo?
Ano ba ang nais mapatunayan?
Tama ang sa tingin ng iba ay tama?
Gumising ka,
Imulat mo ang iyong mata,
Hindi dahil gusto nila,
Susundin mo na.
Huwag maging sunud-sunuran sa ibang tao,
Sundin mo ang bagay na talagang nagpapasaya sa iyo,
Abutin mo ang talagang pinapangarap mo,
Sapagkat mas ramdam mo ang pagka-panalo,
Kung ang puso ang susundin mo.
Comments
Post a Comment