Para sa Pag-iibigang Hanggang Umpisa Lang
Hindi talaga ako mahilig sa mahabang titulo, Titulo na katulad ng akda kong ito, Ngunit mabuti pa nga ito ay may titulo Tayo kaya? Kailan tayo magkakaroon nito? Sinabi ko sa iyo ang nararamdaman ko, Gusto kita kako, Gusto mo rin ako sabi mo, Laking tuwa ko sa pag-amin mo Ngunit sabi nila, iba ang mahal sa gusto; Kagaya ng gusto mo ako ngunit ang mahal mo'y hindi ako, Nakakatanga, nakakapanlumo Hanggang gusto lang ba ako sa 'yo? Ano bang panghahawakan ko sa sinabi mo? Anong laban ko sa taong minamahal mo? Kailan ba magiging ako? Hiling ko na sana'y ako naman ang piliin mo Nahihirapan na ang puso ko, Dati nama'y hindi ako ganito, Puso ko noon sa iyo'y kalmado, Ngayo'y sa bawat araw ay kabado Paano na ako? Paano ako kung siya pa rin ang pipiliin mo? Akala ko magiging masaya ako, Damdamin nati'y sa wakas ay pareho, Ngunit, sino nga ba ako sa 'yo? Ano nga ba ang mayroon tayo? Bakit ba kasi naisipan pa itong laro? Pati tuloy tadhana'y nakipaglaro, Damdami