Posts

Pag-ibig Na Pilit

Image
Ayoko ng pag-ibig na pilit, Pwede namang mahalin mo ako nang walang halong pamimilit, Yung tipong mamahalin mo ako sa taglay kong mahika sayo, Yung tipong ikaw mismo ang nabihag sa mga ngiti ko Ayoko ng pag-ibig na pilit, Na mahal mo ako dahil may ginawa akong mabuti sayo, Mahal mo ako kasi nilibre kita ng milktea na may sago, O mahal mo ako kasi ginawa ko ang thesis mo Ayaw kong mamalimos ng pag-ibig ng ibang tao, Kung mahal mo ako, dapat mahal mo ako— Hindi dahil sa mga walang katuturang dahilan, Kundi dahil nakikita mo ang sarili mo sa piling ko nang pangmatagalan Mahal, Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita, Hindi ko naman ipipilit itong pagsinta, Tatanggapin ko naman kahit hindi ako ang pipiliin, Hinding-hindi kita pipilitin, Sa totoo nyan handa akong ika'y palayain, Basta ba'y sabihin mong diretsahan sa akin, Na hindi kita pwedeng angkinin Ayoko ng pag-ibig na pilit, Wag ka nang makulit, Mahalin mo na lang ako kung handa ka nang buksan ang puso mo, At hindi dahil sa pag...

Don't Stay

Image
"Is it about me leaving? If you want me to stay, I'll stay." No, don't stay because I want you to. Don't stay just because it'll be hard for me. Don't stay.  If leaving will make you happier, I'll be willing to do it even if it breaks my heart into pieces. I'm willing to give you up if that's what you want. I don't want to be selfish anymore.  I love you so much that I'm willing to let you go if it's for your own good. Don't worry about me, I can manage. I'll find a way to live by. Love, don't stay because I want you to. If choosing yourself will make you happy, do it. I'll support you because sometimes the right way to love is to leave.  

Tri-ang-gulo

Image
Gusto kita,   Gusto ka niya Teka, Sino ba ang gusto mo sa aming dalawa? Mali, may mali ata Mahal nga pala kita, Gusto ka niya, At may minamahal ka nga pala Paano naman ang isa? Siguradong sa dulo'y isa sa amin ang luluha, Linawin mo na, Sino ba talaga? Pupwede bang tatlo tayo? Dapat dalawa lang ang bida sa kwento, Isa sa ating tatlo, Saling-kitkit na lang sa dulo Ang unfair talaga ng mundo, Simple nating buhay ay pinapakumplikado, Lahat naman ibibigay ko sa'yo, Todong-todo, Kahit doble rekado, Kahit hindi ka sigurado, Kahit natatakot ako, Lahat ibibigay ko sa 'yo Ayaw ko ng triangulo, Simula ngayon damay na ang hugis na ito, Kung pupwede lang sanang kumalas rito, Sa magulong koneksyon na ito, Matagal na akong tumakbo, Papalayo sa' yoㅡ O baka bumalik pa rin ako sa 'yo Ang gulo ko, Parang utak ko, Parang puso mo, Parang damdamin niya sa 'yo.

Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib

Image
Nakapagtataka, Bakit tila malakas ang iyong mahika; Mahikang unti-unting dumadaloy sa aking sistema,   Minsan nga'y 'di na makapaniwala,   Kung bakit ang puso ko ay biglang nagwawala Pinipilit kong iwasan ka,  Nilihis ang landas,  Pati na ang aking mga mata,  Pinipigil ang sarili sa iyo sinta Ngunit tila lumalala ata?  Iwas sa iyo tuwing umaga,  Pero pagsapit ng gabi'y nasa isip kita,  Ibang klase ang epekto mo,  Mababaliw na ako sayo Sa tuwing hindi ka nakikita,  Hinahanap-hanap ka,  Ninanais masilayan ang iyong mukha,  Kahit sandali lang sana Kahit kisapmata, Masilayan ko ang kinang ng iyong mga mata Ititikom ko muna ang bibig,  Damdamin ko sa iyo'y hindi ipahihiwatig,  Hahayaan ang tulak ng bibig,  Kahit iba ang kabig ng dibdib,  Sabi kasi nila,  Kung kayo, kayo talaga Paghiwalayin man tayo ng mundo, Tadhana'y nariyan upang tayo'y ipagkatagpo.

Mahal Ko o Mahal Ako?

Image
 Isang tama, sampung maliㅡ Nahihirapan na akong pumili, Natatakot na baka pumalpak muli, Sino ba sa inyo ang aking minimithi? Bulong ng guni-guni, At lagi kong munimuni Kailangan pa ba itong itanong? Halata naman siguro kahit walang tanong, Mahal ko ang pipiliin ng puso kong lito, Kahit ako'y patuloy pang saktan nito Ngunit, subalit, dapatwat Napapagod din ang puso kong tapat, Lumapit sya sa akin at tuluyang nagtapatㅡ Naguluhan ang puso ko kahit hindi naman nararapat Hindi ko talaga mapagtanto kung bakit ganito? Mundo nga nama'y sadyang kay gulo, O baka hindi naman talaga ang mundo, Baka yung puso ko, O baka ako mismo, Gusto ko kasing pumili ng isa sa inyo Hindi ba't nakapili na ako? Bakit parang gusto kong palitan ito? Nadadala ba ako ng tukso, O baka dahil sawa na ang puso kadurugo, Ang mahal ko'y hindi ako ang tipo, Paano na kaya ako? Teka, may iba pala na ako ang tipo Puso ko, Puso nya, Puso naming tatlo'y hindi nagkakatagpo Mahal ko'y may mahal na iba, Maha...

To My Favorite Person

Image
I suck at writing letters; love letters to be exact,   but for you I am willing to try my luck I ought to write you something, it could be a song,  maybe a prose or poetry,  or this I could write an essay; it could be about your name,  or maybe my wonders if you felt the same I want you to know,  how much it hurts  that you've let me go; and how every day I'm struggling to get you out of my norm But then,  I feel fine,  I feel great,  there's no hint of regret,  'cause what I have felt,  is so much better than a fairy tale,  and a story my mother has read me before I sleep on my bed For you,  I want to say,  how I wished I could make you stay,  but now that we had separated our ways,  in my heart you'll always stay.

Pag-amin

Image
  Aamin na ako, Ibubunyag ang itinatago kong sikretoㅡ Sikretong inilihim sa kailalim-ilaliman nitong puso; Na pilit kong itinatago sa sarili ko. Hindi ako tahimik; 'Wag sana akong husgahan, Huwag muna akong pangunahan, Hindi naman kasi sadyang ganiyan; Ni hindi ko na nga matandaanㅡ Matandaan kung kailan ako nagtago palayo sa mga daan, Magtago patungo sa kawalan, Kaya ngayo'y nawawalan. Binalot ng kadiliman, Puso kong pilit nilang binubuksan, Mga ngiti kong laging pinagpipilitan; Pagpapanggap ko ba'y hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtatago? Hinihiling na sana man lang ay mabagoㅡ Mabago ang pananaw kong ito, Aamin na ako, Ako'y pagod na kakagalaw sa mundong ito; Ako'y pagod na sa sistemang pinaikot ako. Pakiusap, tulungan n'yo ako. O baka siguro hindi ko kailangan ang tulong n'yo, Baka nga kailangan ko lang iangat ang sarili ko? Iangat ang nakalubog kong pagkatao, At ilabas ang totoong ako.