Posts

Again

Image
  I would give everything just to feel what I've felt for you before. The love, the happiness, the excitement, the magic, the lust, the sorrow,  even the pain. I would gladly do it all over again. I want to feel again.

Natagpuan Kita

Image
  Natagpuan kita  Habang naglalakbay sa kawalan Natagpuan kita  Sa pagitan ng disyerto at ng kalawakan Natagpuan kita Nung panahong hinahanap ko pa ang sarili kong nawawala Nahanap kita Sa hindi inaasahang pagkakataon Sa hindi inaasahang panahon Natagpuan mo ako Habang puno ng luha ang aking mga mata Natagpuan mo ako Nung gabing sobrang lalim na hinihila ako sa dilim Ikaw ang nagsilbing liwanag ko Ikaw ang nagsilbing gabay ko Ngunit nasaan ka na? Natagpuan kita Natagpuan mo ako Tayo nga'y pinagtagpo Ngunit itinadhana ding ipaglayo.

Huwag Kang Matakot

Image
Huwag kang matakot, Hindi mo man matanaw sa iyong tabi, Hindi ko man mapigilan ang iyong paghikbi, Ipapanalangin naman kita araw at gabi Huwag kang matakot, Sadyang masalimuot lang ang ating mundo, Ito'y marahas at magulo, Ngunit 'wag kang matakot, Asahan mong narito lang ako, Nakadungaw mula sa malayo Hindi ka nag-iisa, Binibigyan lang kita ng pagkakataong magpahinga, Hahayaan kitang ayusin ang sarili mong nasira, Sapagkat may tiwala ako sayo, Alam kong kaya mo— Kaya mo kahit wala ako Ipakita mo sa akin ang katapangan mo, Labanan mo ang kadilimang lumalamon sa utak mo, Ipakita mo sa iyong demonyo na kaya mo— Alam kong kaya mo at hindi mo ugaling magpatalo Huwag kang matakot, Itakwil ka man ng maraming tao, Sirain ka man ng kahit na anong elemento, Ako ang unang tatakbo papalapit sa'yo, Narito lang ako Ipagtatanggol kita sa masalimuot nating mundo.

Home is a feeling, not a building

Image
  I've been in places that are hard to find, And there are so many paths I've been lost in, Trying to find the real essence of love. I've been a hell of a mess poet,  Not knowing which way to go,  Not until I met you. Meeting you brought me into some kind of fantasy,  So good to be true at first,  But the more I get to know you,  The real you,  The more I get drown into you. There may be lots of lapses between us,  Ups and downs,  And a hell of intense roller coaster rides,  With you,  I believed that love is sweeter when time is right. Our story may not be like a romantic theatrical movie, Or some kind of mushy things that are seen on ig,  Our story might not be perfect,  But ours is my favorite love story I have ever seen. There are lots of things I ought to say,  But there is one thing that I want to tell you: I've been lost for all my life, But love,  With you,  I found my way home. 

Para sa Pag-iibigang Hanggang Umpisa Lang

Image
Hindi talaga ako mahilig sa mahabang titulo, Titulo na katulad ng akda kong ito, Ngunit mabuti pa nga ito ay may titulo Tayo kaya?  Kailan tayo magkakaroon nito? Sinabi ko sa iyo ang nararamdaman ko, Gusto kita kako, Gusto mo rin ako sabi mo, Laking tuwa ko sa pag-amin mo Ngunit sabi nila, iba ang mahal sa gusto; Kagaya ng gusto mo ako ngunit ang mahal mo'y hindi ako, Nakakatanga, nakakapanlumo Hanggang gusto lang ba ako sa 'yo? Ano bang panghahawakan ko sa sinabi mo? Anong laban ko sa taong minamahal mo? Kailan ba magiging ako? Hiling ko na sana'y ako naman ang piliin mo Nahihirapan na ang puso ko, Dati nama'y hindi ako ganito, Puso ko noon sa iyo'y kalmado, Ngayo'y sa bawat araw ay kabado Paano na ako? Paano ako kung siya pa rin ang pipiliin mo? Akala ko magiging masaya ako, Damdamin nati'y sa wakas ay pareho, Ngunit, sino nga ba ako sa 'yo? Ano nga ba ang mayroon tayo? Bakit ba kasi naisipan pa itong laro? Pati tuloy tadhana'y nakipaglaro, Damdami

Cross Roads

Image
Until when do I have to act fine that we've finally called it quits? I've been eating a lot of toxic positivity lately, but really, it still freaking hurts. You want to be alone.  For the first time, you wanted something for yourself. I can't oppose because you did everything for me— which I am always grateful for (even for those toxic request of mine wherein you'll chose me over your work), you made me feel loved each and every time, and I feel bad for being selfish— and this time, I will give you what you need. You have to deal with yourself alone. But I can't help to ask,  how about me? How can I automatically adjust things in which I habitually do with you? How can I get better?  How do I make a restart? To be honest, being okay with it is slowly killing me. But I don't want to be selfish. It is what you need, so I gave it to you. I hope that would make you feel better.  I still love you though– it hurts. I want to cry.  I badly want tears to come out of my

Sundin Mo Ang Puso

Image
Huwag mong ipilit kung hindi mo gusto, Wala tayo sa isang paligsahan, Hindi natin kailangang magkipag-tagisan, Ano ba ang iyong ipinaglalaban? Mas mahalaga ba ang kasiyahan ng ibang tao, O ang kasiyahan mo mismo? Ano ba ang nais mapatunayan? Tama ang sa tingin ng iba ay tama? Gumising ka, Imulat mo ang iyong mata, Hindi dahil gusto nila, Susundin mo na. Huwag maging sunud-sunuran sa ibang tao, Sundin mo ang bagay na talagang nagpapasaya sa iyo, Abutin mo ang talagang pinapangarap mo, Sapagkat mas ramdam mo ang pagka-panalo, Kung ang puso ang susundin mo.