Posts

Again

Image
  I would give everything just to feel what I've felt for you before. The love, the happiness, the excitement, the magic, the lust, the sorrow,  even the pain. I would gladly do it all over again. I want to feel again.

Natagpuan Kita

Image
  Natagpuan kita  Habang naglalakbay sa kawalan Natagpuan kita  Sa pagitan ng disyerto at ng kalawakan Natagpuan kita Nung panahong hinahanap ko pa ang sarili kong nawawala Nahanap kita Sa hindi inaasahang pagkakataon Sa hindi inaasahang panahon Natagpuan mo ako Habang puno ng luha ang aking mga mata Natagpuan mo ako Nung gabing sobrang lalim na hinihila ako sa dilim Ikaw ang nagsilbing liwanag ko Ikaw ang nagsilbing gabay ko Ngunit nasaan ka na? Natagpuan kita Natagpuan mo ako Tayo nga'y pinagtagpo Ngunit itinadhana ding ipaglayo.

Huwag Kang Matakot

Image
Huwag kang matakot, Hindi mo man matanaw sa iyong tabi, Hindi ko man mapigilan ang iyong paghikbi, Ipapanalangin naman kita araw at gabi Huwag kang matakot, Sadyang masalimuot lang ang ating mundo, Ito'y marahas at magulo, Ngunit 'wag kang matakot, Asahan mong narito lang ako, Nakadungaw mula sa malayo Hindi ka nag-iisa, Binibigyan lang kita ng pagkakataong magpahinga, Hahayaan kitang ayusin ang sarili mong nasira, Sapagkat may tiwala ako sayo, Alam kong kaya mo— Kaya mo kahit wala ako Ipakita mo sa akin ang katapangan mo, Labanan mo ang kadilimang lumalamon sa utak mo, Ipakita mo sa iyong demonyo na kaya mo— Alam kong kaya mo at hindi mo ugaling magpatalo Huwag kang matakot, Itakwil ka man ng maraming tao, Sirain ka man ng kahit na anong elemento, Ako ang unang tatakbo papalapit sa'yo, Narito lang ako Ipagtatanggol kita sa masalimuot nating mundo.

Home is a feeling, not a building

Image
  I've been in places that are hard to find, And there are so many paths I've been lost in, Trying to find the real essence of love. I've been a hell of a mess poet,  Not knowing which way to go,  Not until I met you. Meeting you brought me into some kind of fantasy,  So good to be true at first,  But the more I get to know you,  The real you,  The more I get drown into you. There may be lots of lapses between us,  Ups and downs,  And a hell of intense roller coaster rides,  With you,  I believed that love is sweeter when time is right. Our story may not be like a romantic theatrical movie, Or some kind of mushy things that are seen on ig,  Our story might not be perfect,  But ours is my favorite love story I have ever seen. There are lots of things I ought to say,  But there is one thing that I want to tell you: I've been lost for all my life, But love,  With you,  I found my way home. 

Para sa Pag-iibigang Hanggang Umpisa Lang

Image
Hindi talaga ako mahilig sa mahabang titulo, Titulo na katulad ng akda kong ito, Ngunit mabuti pa nga ito ay may titulo Tayo kaya?  Kailan tayo magkakaroon nito? Sinabi ko sa iyo ang nararamdaman ko, Gusto kita kako, Gusto mo rin ako sabi mo, Laking tuwa ko sa pag-amin mo Ngunit sabi nila, iba ang mahal sa gusto; Kagaya ng gusto mo ako ngunit ang mahal mo'y hindi ako, Nakakatanga, nakakapanlumo Hanggang gusto lang ba ako sa 'yo? Ano bang panghahawakan ko sa sinabi mo? Anong laban ko sa taong minamahal mo? Kailan ba magiging ako? Hiling ko na sana'y ako naman ang piliin mo Nahihirapan na ang puso ko, Dati nama'y hindi ako ganito, Puso ko noon sa iyo'y kalmado, Ngayo'y sa bawat araw ay kabado Paano na ako? Paano ako kung siya pa rin ang pipiliin mo? Akala ko magiging masaya ako, Damdamin nati'y sa wakas ay pareho, Ngunit, sino nga ba ako sa 'yo? Ano nga ba ang mayroon tayo? Bakit ba kasi naisipan pa itong laro? Pati tuloy tadhana'y nakipaglaro, Damdami...

Cross Roads

Image
Until when do I have to act fine that we've finally called it quits? I've been eating a lot of toxic positivity lately, but really, it still freaking hurts. You want to be alone.  For the first time, you wanted something for yourself. I can't oppose because you did everything for me— which I am always grateful for (even for those toxic request of mine wherein you'll chose me over your work), you made me feel loved each and every time, and I feel bad for being selfish— and this time, I will give you what you need. You have to deal with yourself alone. But I can't help to ask,  how about me? How can I automatically adjust things in which I habitually do with you? How can I get better?  How do I make a restart? To be honest, being okay with it is slowly killing me. But I don't want to be selfish. It is what you need, so I gave it to you. I hope that would make you feel better.  I still love you though– it hurts. I want to cry.  I badly want tears to come out of my ...

Sundin Mo Ang Puso

Image
Huwag mong ipilit kung hindi mo gusto, Wala tayo sa isang paligsahan, Hindi natin kailangang magkipag-tagisan, Ano ba ang iyong ipinaglalaban? Mas mahalaga ba ang kasiyahan ng ibang tao, O ang kasiyahan mo mismo? Ano ba ang nais mapatunayan? Tama ang sa tingin ng iba ay tama? Gumising ka, Imulat mo ang iyong mata, Hindi dahil gusto nila, Susundin mo na. Huwag maging sunud-sunuran sa ibang tao, Sundin mo ang bagay na talagang nagpapasaya sa iyo, Abutin mo ang talagang pinapangarap mo, Sapagkat mas ramdam mo ang pagka-panalo, Kung ang puso ang susundin mo.

Pag-ibig Na Pilit

Image
Ayoko ng pag-ibig na pilit, Pwede namang mahalin mo ako nang walang halong pamimilit, Yung tipong mamahalin mo ako sa taglay kong mahika sayo, Yung tipong ikaw mismo ang nabihag sa mga ngiti ko Ayoko ng pag-ibig na pilit, Na mahal mo ako dahil may ginawa akong mabuti sayo, Mahal mo ako kasi nilibre kita ng milktea na may sago, O mahal mo ako kasi ginawa ko ang thesis mo Ayaw kong mamalimos ng pag-ibig ng ibang tao, Kung mahal mo ako, dapat mahal mo ako— Hindi dahil sa mga walang katuturang dahilan, Kundi dahil nakikita mo ang sarili mo sa piling ko nang pangmatagalan Mahal, Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita, Hindi ko naman ipipilit itong pagsinta, Tatanggapin ko naman kahit hindi ako ang pipiliin, Hinding-hindi kita pipilitin, Sa totoo nyan handa akong ika'y palayain, Basta ba'y sabihin mong diretsahan sa akin, Na hindi kita pwedeng angkinin Ayoko ng pag-ibig na pilit, Wag ka nang makulit, Mahalin mo na lang ako kung handa ka nang buksan ang puso mo, At hindi dahil sa pag...

Don't Stay

Image
"Is it about me leaving? If you want me to stay, I'll stay." No, don't stay because I want you to. Don't stay just because it'll be hard for me. Don't stay.  If leaving will make you happier, I'll be willing to do it even if it breaks my heart into pieces. I'm willing to give you up if that's what you want. I don't want to be selfish anymore.  I love you so much that I'm willing to let you go if it's for your own good. Don't worry about me, I can manage. I'll find a way to live by. Love, don't stay because I want you to. If choosing yourself will make you happy, do it. I'll support you because sometimes the right way to love is to leave.  

Tri-ang-gulo

Image
Gusto kita,   Gusto ka niya Teka, Sino ba ang gusto mo sa aming dalawa? Mali, may mali ata Mahal nga pala kita, Gusto ka niya, At may minamahal ka nga pala Paano naman ang isa? Siguradong sa dulo'y isa sa amin ang luluha, Linawin mo na, Sino ba talaga? Pupwede bang tatlo tayo? Dapat dalawa lang ang bida sa kwento, Isa sa ating tatlo, Saling-kitkit na lang sa dulo Ang unfair talaga ng mundo, Simple nating buhay ay pinapakumplikado, Lahat naman ibibigay ko sa'yo, Todong-todo, Kahit doble rekado, Kahit hindi ka sigurado, Kahit natatakot ako, Lahat ibibigay ko sa 'yo Ayaw ko ng triangulo, Simula ngayon damay na ang hugis na ito, Kung pupwede lang sanang kumalas rito, Sa magulong koneksyon na ito, Matagal na akong tumakbo, Papalayo sa' yoㅡ O baka bumalik pa rin ako sa 'yo Ang gulo ko, Parang utak ko, Parang puso mo, Parang damdamin niya sa 'yo.

Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib

Image
Nakapagtataka, Bakit tila malakas ang iyong mahika; Mahikang unti-unting dumadaloy sa aking sistema,   Minsan nga'y 'di na makapaniwala,   Kung bakit ang puso ko ay biglang nagwawala Pinipilit kong iwasan ka,  Nilihis ang landas,  Pati na ang aking mga mata,  Pinipigil ang sarili sa iyo sinta Ngunit tila lumalala ata?  Iwas sa iyo tuwing umaga,  Pero pagsapit ng gabi'y nasa isip kita,  Ibang klase ang epekto mo,  Mababaliw na ako sayo Sa tuwing hindi ka nakikita,  Hinahanap-hanap ka,  Ninanais masilayan ang iyong mukha,  Kahit sandali lang sana Kahit kisapmata, Masilayan ko ang kinang ng iyong mga mata Ititikom ko muna ang bibig,  Damdamin ko sa iyo'y hindi ipahihiwatig,  Hahayaan ang tulak ng bibig,  Kahit iba ang kabig ng dibdib,  Sabi kasi nila,  Kung kayo, kayo talaga Paghiwalayin man tayo ng mundo, Tadhana'y nariyan upang tayo'y ipagkatagpo.

Mahal Ko o Mahal Ako?

Image
 Isang tama, sampung maliㅡ Nahihirapan na akong pumili, Natatakot na baka pumalpak muli, Sino ba sa inyo ang aking minimithi? Bulong ng guni-guni, At lagi kong munimuni Kailangan pa ba itong itanong? Halata naman siguro kahit walang tanong, Mahal ko ang pipiliin ng puso kong lito, Kahit ako'y patuloy pang saktan nito Ngunit, subalit, dapatwat Napapagod din ang puso kong tapat, Lumapit sya sa akin at tuluyang nagtapatㅡ Naguluhan ang puso ko kahit hindi naman nararapat Hindi ko talaga mapagtanto kung bakit ganito? Mundo nga nama'y sadyang kay gulo, O baka hindi naman talaga ang mundo, Baka yung puso ko, O baka ako mismo, Gusto ko kasing pumili ng isa sa inyo Hindi ba't nakapili na ako? Bakit parang gusto kong palitan ito? Nadadala ba ako ng tukso, O baka dahil sawa na ang puso kadurugo, Ang mahal ko'y hindi ako ang tipo, Paano na kaya ako? Teka, may iba pala na ako ang tipo Puso ko, Puso nya, Puso naming tatlo'y hindi nagkakatagpo Mahal ko'y may mahal na iba, Maha...

To My Favorite Person

Image
I suck at writing letters; love letters to be exact,   but for you I am willing to try my luck I ought to write you something, it could be a song,  maybe a prose or poetry,  or this I could write an essay; it could be about your name,  or maybe my wonders if you felt the same I want you to know,  how much it hurts  that you've let me go; and how every day I'm struggling to get you out of my norm But then,  I feel fine,  I feel great,  there's no hint of regret,  'cause what I have felt,  is so much better than a fairy tale,  and a story my mother has read me before I sleep on my bed For you,  I want to say,  how I wished I could make you stay,  but now that we had separated our ways,  in my heart you'll always stay.

Pag-amin

Image
  Aamin na ako, Ibubunyag ang itinatago kong sikretoㅡ Sikretong inilihim sa kailalim-ilaliman nitong puso; Na pilit kong itinatago sa sarili ko. Hindi ako tahimik; 'Wag sana akong husgahan, Huwag muna akong pangunahan, Hindi naman kasi sadyang ganiyan; Ni hindi ko na nga matandaanㅡ Matandaan kung kailan ako nagtago palayo sa mga daan, Magtago patungo sa kawalan, Kaya ngayo'y nawawalan. Binalot ng kadiliman, Puso kong pilit nilang binubuksan, Mga ngiti kong laging pinagpipilitan; Pagpapanggap ko ba'y hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtatago? Hinihiling na sana man lang ay mabagoㅡ Mabago ang pananaw kong ito, Aamin na ako, Ako'y pagod na kakagalaw sa mundong ito; Ako'y pagod na sa sistemang pinaikot ako. Pakiusap, tulungan n'yo ako. O baka siguro hindi ko kailangan ang tulong n'yo, Baka nga kailangan ko lang iangat ang sarili ko? Iangat ang nakalubog kong pagkatao, At ilabas ang totoong ako.

Laya

Image
  Nagugulumihanan ang kalooban, Mga bulong ng isip ay hindi ko masundan, Mga katanungang bumabalot sa isipan, Nais nang mahanap ang kasagutan Bilog nga ba ang mundo? Sabi nila'y oo, Ngunit hindi ko ramdam ito, Tila ba tayo ay niloloko, Ng mundo o baka ng tao, Ang akala kong bilog ay mistulang tatsulok Ang kalayaan ay tila nasa mga mayayaman, Mga simpleng mamamaya'y paano naman? Akala ko ba bilog ang mundo? Akala ko ba'y nakamtan na ang layang inaamsam ng katulad ko? Ngunit bakit tila isa akong preso, Nakukubli sa isang kwadrado, Nakakulong sa bulok na rehas na ito-- Bulok na sistema ng paghatol sa tao Akala ko ba'y laya na tayo? Ngunit bakit ang mga pakpak ng marami'y sinusunog, Hindi makalipad ng malayo, At hindi makatakbo; Hinihila pababa at walang pag-asang makaabot sa tuktok, Paano nga ba ito? May solusyon pa ba para rito? Makakalaya ba ako? Hindi patas! Ang mga pantas na humuhusga, Wala yatang maibigay na pantay na hustisya, Basta mayroon kang maipamumulsa, Sa ...

Hindi ako si Stella

Image
Hindi makahanap ng magandang panimula; Para sa iyo na aking paboritong manunula, Natatawa't namamangha, Bigla ko na lang kasing naisipang gawan ka ng tula, Kahit istorya nati'y hindi pa naman talagang nagsisimula Napanood mo na ba ang 100 tula para kay Stella?ㅡ Malamang oo, Ay! nalimot koㅡ Sa puso nga pala'y mayroon nang Stella, Ngunit maari ko bang malaman kung sino sya? Sya na iyong inaasam at pinapantasya? Siguro naman ay alam mo na, Hindi ito ang iyong inaasam na isang magandang istorya, 'Pagkat sa dulo'y hindi nagkatuluyan ang dalawang bida Nagbabagabag, nangangamba; Hindi kaya tayo mabibigyan ng tyansa? Kahit mapagtripan manlang sana ni tadhanaㅡ Kahit na hindi ako ang iyong Stella, Sana sa dulo ng kwento'y maging tayong dalawa. Nakakatakot umasa, Alam ko naㅡ Alam ko na sa puso mo'y may nakapukaw na, Umaasa na lang sa mga buwan at tala; Sanay hindi sya kagaya koㅡ Kagaya ko na unti-unting nahuhulog sayo, Kagaya ko na inaasam ang katulad mo, Pasensya na p...

Collide

Image
 I know at some point of our story, I'm the one who became toxic, and I'm really sorry for that. I gave you scars and let you bleed while only thinking about myself. You were once the one who couldn't sleep soundly at night. That's why now I understand. I shouldn't played with your feelings, I should just let you heal on your own, and I will heal my own scars too. It's somehow my fault why you are now scarred and afraid, and now you also let me bleed unconsciously to understand what you've  felt before. I think this is the right time to fix ourselves on our own. It sucks to depend on each other while making each other bleed. Maybe, just maybe. When time is right, we'll meet again— with strong heart and healed soul. Maybe then, we'll collide and never have to bleed on each other again. I used to hate "maybes", but now I'll believe in it because we don't know what tomorrow could bring.

Gamo-gamo

Image
Ako'y nagmistulang gamo-gamo na patuloy na umaaligid sa apoy kahit alam kong masama ito para sa akin. Nagpahumaling sa taglay na ganda ng liwanag, Kahit alam kong ito ang magiging sanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak, Ang hahadlang sa aking patuloy na paglipad. Lumapit pa rin sayong apoy. Ganoon naman ata talaga kapag gustong-gusto mo ang isang bagay, o kahit ano pa man. Nagbubulag-bulagan. Nagbibingi-bingihan. Kahit masama ito sa ating kapakanan.

Isa Pang Tyansa

Image
Kung mapagbibigyan lang tayo ng uniberso na muling magkasama at muling mahulog sa isa't-isa, hinding-hindi ko hahayaan na masayang pa. Isang tyansa pa. Isang sigurado na. Wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan nating dalawa.

Fictions

Image
I don't believe in fictions such as 11:11, fairy tales nor happy endings. It is called "fiction" because it ain't real, And it will never be real; It's just an invention of our human mind, Or in other words,  Purely imagination. Digital art by Tithi Luadthong