Posts

Showing posts from September, 2020

Tri-ang-gulo

Image
Gusto kita,   Gusto ka niya Teka, Sino ba ang gusto mo sa aming dalawa? Mali, may mali ata Mahal nga pala kita, Gusto ka niya, At may minamahal ka nga pala Paano naman ang isa? Siguradong sa dulo'y isa sa amin ang luluha, Linawin mo na, Sino ba talaga? Pupwede bang tatlo tayo? Dapat dalawa lang ang bida sa kwento, Isa sa ating tatlo, Saling-kitkit na lang sa dulo Ang unfair talaga ng mundo, Simple nating buhay ay pinapakumplikado, Lahat naman ibibigay ko sa'yo, Todong-todo, Kahit doble rekado, Kahit hindi ka sigurado, Kahit natatakot ako, Lahat ibibigay ko sa 'yo Ayaw ko ng triangulo, Simula ngayon damay na ang hugis na ito, Kung pupwede lang sanang kumalas rito, Sa magulong koneksyon na ito, Matagal na akong tumakbo, Papalayo sa' yoã…¡ O baka bumalik pa rin ako sa 'yo Ang gulo ko, Parang utak ko, Parang puso mo, Parang damdamin niya sa 'yo.

Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib

Image
Nakapagtataka, Bakit tila malakas ang iyong mahika; Mahikang unti-unting dumadaloy sa aking sistema,   Minsan nga'y 'di na makapaniwala,   Kung bakit ang puso ko ay biglang nagwawala Pinipilit kong iwasan ka,  Nilihis ang landas,  Pati na ang aking mga mata,  Pinipigil ang sarili sa iyo sinta Ngunit tila lumalala ata?  Iwas sa iyo tuwing umaga,  Pero pagsapit ng gabi'y nasa isip kita,  Ibang klase ang epekto mo,  Mababaliw na ako sayo Sa tuwing hindi ka nakikita,  Hinahanap-hanap ka,  Ninanais masilayan ang iyong mukha,  Kahit sandali lang sana Kahit kisapmata, Masilayan ko ang kinang ng iyong mga mata Ititikom ko muna ang bibig,  Damdamin ko sa iyo'y hindi ipahihiwatig,  Hahayaan ang tulak ng bibig,  Kahit iba ang kabig ng dibdib,  Sabi kasi nila,  Kung kayo, kayo talaga Paghiwalayin man tayo ng mundo, Tadhana'y nariyan upang tayo'y ipagkatagpo.

Mahal Ko o Mahal Ako?

Image
 Isang tama, sampung maliã…¡ Nahihirapan na akong pumili, Natatakot na baka pumalpak muli, Sino ba sa inyo ang aking minimithi? Bulong ng guni-guni, At lagi kong munimuni Kailangan pa ba itong itanong? Halata naman siguro kahit walang tanong, Mahal ko ang pipiliin ng puso kong lito, Kahit ako'y patuloy pang saktan nito Ngunit, subalit, dapatwat Napapagod din ang puso kong tapat, Lumapit sya sa akin at tuluyang nagtapatã…¡ Naguluhan ang puso ko kahit hindi naman nararapat Hindi ko talaga mapagtanto kung bakit ganito? Mundo nga nama'y sadyang kay gulo, O baka hindi naman talaga ang mundo, Baka yung puso ko, O baka ako mismo, Gusto ko kasing pumili ng isa sa inyo Hindi ba't nakapili na ako? Bakit parang gusto kong palitan ito? Nadadala ba ako ng tukso, O baka dahil sawa na ang puso kadurugo, Ang mahal ko'y hindi ako ang tipo, Paano na kaya ako? Teka, may iba pala na ako ang tipo Puso ko, Puso nya, Puso naming tatlo'y hindi nagkakatagpo Mahal ko'y may mahal na iba, Maha

To My Favorite Person

Image
I suck at writing letters; love letters to be exact,   but for you I am willing to try my luck I ought to write you something, it could be a song,  maybe a prose or poetry,  or this I could write an essay; it could be about your name,  or maybe my wonders if you felt the same I want you to know,  how much it hurts  that you've let me go; and how every day I'm struggling to get you out of my norm But then,  I feel fine,  I feel great,  there's no hint of regret,  'cause what I have felt,  is so much better than a fairy tale,  and a story my mother has read me before I sleep on my bed For you,  I want to say,  how I wished I could make you stay,  but now that we had separated our ways,  in my heart you'll always stay.

Pag-amin

Image
  Aamin na ako, Ibubunyag ang itinatago kong sikretoã…¡ Sikretong inilihim sa kailalim-ilaliman nitong puso; Na pilit kong itinatago sa sarili ko. Hindi ako tahimik; 'Wag sana akong husgahan, Huwag muna akong pangunahan, Hindi naman kasi sadyang ganiyan; Ni hindi ko na nga matandaanã…¡ Matandaan kung kailan ako nagtago palayo sa mga daan, Magtago patungo sa kawalan, Kaya ngayo'y nawawalan. Binalot ng kadiliman, Puso kong pilit nilang binubuksan, Mga ngiti kong laging pinagpipilitan; Pagpapanggap ko ba'y hanggang kailan? Hanggang kailan ako magtatago? Hinihiling na sana man lang ay mabagoã…¡ Mabago ang pananaw kong ito, Aamin na ako, Ako'y pagod na kakagalaw sa mundong ito; Ako'y pagod na sa sistemang pinaikot ako. Pakiusap, tulungan n'yo ako. O baka siguro hindi ko kailangan ang tulong n'yo, Baka nga kailangan ko lang iangat ang sarili ko? Iangat ang nakalubog kong pagkatao, At ilabas ang totoong ako.

Laya

Image
  Nagugulumihanan ang kalooban, Mga bulong ng isip ay hindi ko masundan, Mga katanungang bumabalot sa isipan, Nais nang mahanap ang kasagutan Bilog nga ba ang mundo? Sabi nila'y oo, Ngunit hindi ko ramdam ito, Tila ba tayo ay niloloko, Ng mundo o baka ng tao, Ang akala kong bilog ay mistulang tatsulok Ang kalayaan ay tila nasa mga mayayaman, Mga simpleng mamamaya'y paano naman? Akala ko ba bilog ang mundo? Akala ko ba'y nakamtan na ang layang inaamsam ng katulad ko? Ngunit bakit tila isa akong preso, Nakukubli sa isang kwadrado, Nakakulong sa bulok na rehas na ito-- Bulok na sistema ng paghatol sa tao Akala ko ba'y laya na tayo? Ngunit bakit ang mga pakpak ng marami'y sinusunog, Hindi makalipad ng malayo, At hindi makatakbo; Hinihila pababa at walang pag-asang makaabot sa tuktok, Paano nga ba ito? May solusyon pa ba para rito? Makakalaya ba ako? Hindi patas! Ang mga pantas na humuhusga, Wala yatang maibigay na pantay na hustisya, Basta mayroon kang maipamumulsa, Sa

Hindi ako si Stella

Image
Hindi makahanap ng magandang panimula; Para sa iyo na aking paboritong manunula, Natatawa't namamangha, Bigla ko na lang kasing naisipang gawan ka ng tula, Kahit istorya nati'y hindi pa naman talagang nagsisimula Napanood mo na ba ang 100 tula para kay Stella?ã…¡ Malamang oo, Ay! nalimot koã…¡ Sa puso nga pala'y mayroon nang Stella, Ngunit maari ko bang malaman kung sino sya? Sya na iyong inaasam at pinapantasya? Siguro naman ay alam mo na, Hindi ito ang iyong inaasam na isang magandang istorya, 'Pagkat sa dulo'y hindi nagkatuluyan ang dalawang bida Nagbabagabag, nangangamba; Hindi kaya tayo mabibigyan ng tyansa? Kahit mapagtripan manlang sana ni tadhanaã…¡ Kahit na hindi ako ang iyong Stella, Sana sa dulo ng kwento'y maging tayong dalawa. Nakakatakot umasa, Alam ko naã…¡ Alam ko na sa puso mo'y may nakapukaw na, Umaasa na lang sa mga buwan at tala; Sanay hindi sya kagaya koã…¡ Kagaya ko na unti-unting nahuhulog sayo, Kagaya ko na inaasam ang katulad mo, Pasensya na p

Collide

Image
 I know at some point of our story, I'm the one who became toxic, and I'm really sorry for that. I gave you scars and let you bleed while only thinking about myself. You were once the one who couldn't sleep soundly at night. That's why now I understand. I shouldn't played with your feelings, I should just let you heal on your own, and I will heal my own scars too. It's somehow my fault why you are now scarred and afraid, and now you also let me bleed unconsciously to understand what you've  felt before. I think this is the right time to fix ourselves on our own. It sucks to depend on each other while making each other bleed. Maybe, just maybe. When time is right, we'll meet again— with strong heart and healed soul. Maybe then, we'll collide and never have to bleed on each other again. I used to hate "maybes", but now I'll believe in it because we don't know what tomorrow could bring.

Gamo-gamo

Image
Ako'y nagmistulang gamo-gamo na patuloy na umaaligid sa apoy kahit alam kong masama ito para sa akin. Nagpahumaling sa taglay na ganda ng liwanag, Kahit alam kong ito ang magiging sanhi ng pagkasunog ng aking mga pakpak, Ang hahadlang sa aking patuloy na paglipad. Lumapit pa rin sayong apoy. Ganoon naman ata talaga kapag gustong-gusto mo ang isang bagay, o kahit ano pa man. Nagbubulag-bulagan. Nagbibingi-bingihan. Kahit masama ito sa ating kapakanan.

Isa Pang Tyansa

Image
Kung mapagbibigyan lang tayo ng uniberso na muling magkasama at muling mahulog sa isa't-isa, hinding-hindi ko hahayaan na masayang pa. Isang tyansa pa. Isang sigurado na. Wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan nating dalawa.

Fictions

Image
I don't believe in fictions such as 11:11, fairy tales nor happy endings. It is called "fiction" because it ain't real, And it will never be real; It's just an invention of our human mind, Or in other words,  Purely imagination. Digital art by Tithi Luadthong

Laro

Image
Tara na't maglaro, Taguan ng feelings ba ang iyong gusto? Kahit na alam kong ito'y di wasto, Puso ko'y patuloy na titibok para sayo Langit ka, lupa akoã…¡ Tayo'y hindi nagkakatagpo, Tadhana'y pilit tayong pinaglalayo. Ngunit pipilitin ko, Kahit kailanganin ko pang makipag-pantintero, Kahit mahirapan ako't walang mapala sa dulo, Lahat nang ito'y gagawin ko, Makalapit manlang ako sa puso mo Lahat gagawin ko, oo lahat Hindi ako mapapagod na hanapin ka Hindi ako mapapagod na habulin ka Di baleng sa larong ito ako lagi ang taya At parang pitik-bulag, ako'y nanghuhula Kahit para kang pamato ko sa pikoã…¡ Kahit ika'y bato,  Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko Pansinin mo naman ang nadararama para sayo, Isa, Dalawa, Tatlo, Bigla ka na lang tatakbo, Magtatago't tatakasan ako.

Hiram

Image
Tandang-tanda ko pa, Ang ating dulo't simula, Kung paanong ang puso nati'y nagtugma, At kung paanong ang luha sa ati'y kumawala. Tandang-tanda ko pa, Ang unang araw na tayo'y magkita, Kung paano ka tumitig sa aking mga mata, At kung paano mo binigkas ang salitang "hi, kumusta ka?" Nginitian lang kita, Sapagka't ako'y nahihiya pa.  Pero sa isip ko ako'y napatanong, Ikaw na ba-- Ikaw na ba ang sa akin ay itinakda?  Ang hiniling ko sa mga buwan at tala? Siguro'y ikaw na nga,  Sapagkat ipinaramdam sa akin ang kakaibang saya,  Sa bawat araw na lumipas na ika'y kasama,  Ang buhay ay binigyan ng kulay at pinuno ng ligaya. Ngunit,  Lahat ng iyon ay pawang akala,  Mga luha sa mata'y dagling kumawala,  Nabibigla't natutulala,  Hindi akalaing ika'y mawawala nang bigla. Totoo nga ba? Totoo ka nga ba? O ang lahat ng iyong pinakita'y pawang ilusyon, At mapaglaro lamang sa mata? Mahal, ika'y nasaan? Pangako mong walang hanggan, Mayroon

Figment

Image
  I dreamt about you last night, You were like a starlight, I couldn't resist though I tried my might, Can I make you mine just for tonight? I was sleeping soundly, But I could still feel my giddy, This act may be a little naughty, But I asked you to dance with me on the alley,  Or maybe on your balcony,  I just don't want to end this journey. You chuckle as you shook your head,  I don't want to hear you say "no",  Little do you know,  I was hoping for you to say "let's go". But the moment you're willing to take a stand,  And there was me who was willing to take your hand,  The lights are slowly turning into darkness,  My star fell into the abyss. I grasped, And a tear fell down. There was my only chance,  But I watched it slip through my hands I thought the only monster is this reality,  But so as my fantasy.

Inayos Kita, Sinira Mo Ako

Image
Inayos kita sa oras ng pagkasira mo, Tinanggap kita sa kabila ng lahat ng peklat at sugat na iyong tinamo, Hindi kita iniwan sa oras nang kahinaan mo,   Hindi ako lumisan sa tabi mo nung kailangan mo ako; Ngunit bakit nung ako, Nang ipakita sa iyo ang mga sugat ko, Bigla kang lumayo? Pinanghinaan ng loob at tinakasan lang ako Inayos kita nung oras na sirang-sira ka, Andito ako nung panahong nawawala ka Ngunit ikaw, Mas sinira mo ang tagaayos mo, Ginapos mo ako nung oras na nakikita mong matatag ako, At iniwan sa gitna ng kalawakan sa oras ng panghihina ko Ang unfair mo, Gusto mo lang ako sa tuwing maayos ako, Ngunit dagling lilisan sa tuwing  nilalamon ako ng kadiliman sa utak ko Tulong— Kailangan ko lang naman ng tulong mo Ngunit hindi mo inilahad ang mga palad mo, Bagkus iniwan akong nagmamakaawa sa iyo Inayos kita— Mali akong inayos pa kita, Sana'y sarili ko muna ang inuna, Hindi sana ako lubusang nasira. -The Day After Valentines

Ako Muna

Image
  Kasalanan bang maituturing, Kung akin ngang susunduin ang sarili? Kung akin ngang pipiliin, Ang kasiyahang hinanap para sa akin? Ikaw o ang sarili ko? Alam mo naman siguro ang sagot ko, Hindi na muna ikaw siguro, Kailangan ko muna ng oras, Nang sa gayo'y aking mabigkas, Na sa wakas, Buo na uli ang sariling kumalas Hindi naman siguro maling maituturing, Kung pag-ibig mo'y huwag na munang ibaling sa akin, Marami ka pang dapat na kilalanin, Marami ka pang makikitang higit pa kaysa sa akin, Huwag na muna ako, Huwag na muna sa ngayon, Gusto ko munang sumabay sa alon ng panahon, Nang ako lang, Sarili ko lang, Sarili ko muna sa ngayon.

Agam-agam

Image
Gusto nang pag-usapan, Gusto ko na sanang wakasan, Ngunit tila may bumabagabag pa sa aking isipan, At ang mga paa ko'y hindi ko maihakbang. Teka muna sandali, Ano nga ba ang mali? Bakit tayo humantong sa ganito? Hindi ko inasahang magiging parte ito ng ating kwento. Nag-iisip kung papaano-- Paano ako lalapit kung ikaw mismo ay mistulang lumalayo?  Kapag atin bang pag-uusapan ito,  Mapipigil ba ang pagbabago? Naisip ko,  Kahit siguro maging malinaw ang lahat,  May mga marka pa ring maiiwan,  At ang kahapon ay hindi na natin mababalikan. Gusto ko lang ipaliwanag sa iyo,  Kung bakit ako nagkakaganito,  Ngunit natatakot ako,  Sa sobrang takot ay hindi na ako makalapit sa iyo,  Mistulang isang liwanag na bumubulag sa aking mga mata,  Parang kinatatakutan kong halimaw sa isang pelikula. Gusto ko lang wakasan itong itinatago kong pagdaramdam,  Nagsasawa na ako sa paulit-ulit kong agam-agam,  Kahit naghingi na ng pasensyang makaitlo,  Wala rin namang pagbabago,  Ngunit tatanggapin ko,  Kah

Agos

Image
Wag kang masinungaling sa akin, Sabihin na ang dapat sabihin, At akin itong diringgin, Hindi kailangan ng pampatamis, Sapagkat masasaktan lang ako ng labis Aminin na ang dapat aminin, Kung ika'y hindi ko na maangkin, Kung ang puso mo'y wala naman talaga sa akin, Iyo na sanang aminin Sabihin mong hindi na ako ang mahal, Nang ang pag-asa sa iyo'y hindi na magtagal, Sapagkat puso ko'y labis na magpapagal, Kung patuloy ang pagsugal sa isang pag-ibig na hindi nagtagal.

Huling Pahina ng Kwento

Image
Titigan ang mga mata ko Sabihin mo sa aking mahal mo'y hindi na ako, Hindi man alam kung ang katagang iyon ay totoo, Sabihin mong mahal mo'y hindi na ako Huwag mo nang paniwalain sa mga matatamis na salita, Ayos lang kung ang mga pangako mo'y hindi mo na magagawa, Sapagkat ayoko nang umasang baka pwede pa, Ayaw ko na sanang umasa pa sa ating dalawa, Dahil alam kong pagod ka na, At kailangan mo munang mapag-isa Tama na Kailangan nang isara ang libro nating dalawa  Ito na ang ating huling pahina Kailangan ko na ring magpahinga Napapagod na rin ang puso nating umasa na baka maayos pa, Napapagod na ang ating mga mata sa hindi sadyang pagluha Pangako, Minahal kita nang sobra, Na miski sa sarili ko'y wala akong itinira, At naiparamdam mong ako'y iyong minahal ding talaga Bakit kaya tayo humantong sa huling pahina? Puso nati'y parehong nanghina, Hindi pala totoo na sapat ang pag-ibig upang magpatuloy pa Bakit nga kaya? Ang daming tanong na tumatakbo sa aking isipan, Tu